Kulang tayo sa
panalangin. Hindi lang ito sa mga bagong Christians, kundi sa marami sa atin na
matagal na sa buhay Cristiano. Sabi nga ni Philip Yancey na pagdating sa
prayer, “we are all beginners.” If we are honest, there is not much prayer
going on in our lives.
Hindi natin masyadong
naiisip ang ibang tao, hindi palaging sumasagi sa isip natin ang makinig sa
Dios at kausapin siya. We would rather spend much time in front of the TV,
checking our Facebook, surfing the Internet, playing games, working, sleeping,
talking to others than pray.
At kung magpray man
tayo, kadalasan ang prayer natin para sa sarili lang natin, para ibless ni Lord
ang buhay natin, ang health natin, ang family natin, ang business natin. At
kung magpray man tayo para sa iba, our prayers are not that biblical and
God-centered. Kulang tayo sa panalangin, kaya nga ang least popular na activity
sa church ay ang Prayer Meeting.ito ang minsan ang problema natin ang puso
natin!
Heart Problem
Bakit ganoon? Dahil ba
sobrang busy talaga ng buhay at wala tayong magawa para maiadjust ang schedule
natin? Dahil ba we find it really boring at hindi kasing exciting ng ibang
activities? Dahil ba hindi ka sanay at walang nagtuturo sa iyo? I believe na ang
problema natin ay hindi schedule, hindi rin skills or experience. Ang problema
natin ay ang puso natin. Kapag hindi tayo nananalangin, lalo na para sa ibang
tao, nagpapakita ito ng…
1. Unbelief. May kinalaman ito sa attitude ng puso natin sa Dios. Di tayo
naniniwalang sabik siyang makipag-usap sa atin. Di tayo naniniwalang kaya niya
at gusto niyang baguhin ang puso ng sinumang pinagpepray natin. Di tayo
naniniwala sa kabutihan, pag-ibig at kapangyarihan ng Dios na sumasagot sa
panalangin. Ang tiwala natin nasa sarili natin o nasa ibang tao.
2. Pride/self-centeredness. Feeling natin kayang-kaya nating patakbuhin
ang buhay natin. Konting pagsisikap lang at tiyaga mairaraos natin ang buhay
natin. Bilib tayo sa sarili natin. At kung hindi man sa sarili, sa ibang tao
tayo hihingi ng tulong sa halip na sa Dios. We don’t pray because we love
ourselves too much.
3. Lack of love. Kung magpray man tayo para sa sarili lang natin. Kulang na
kulang ang panahon at effort na inilalaan natin praying for others. Bakit? Kasi
feeling natin mas importante ang pangangailangan natin kaysa sa iba. We don’t
feel any concern sa kahirapan at mga struggles na pinagdadaanan ng mga kasama
natin sa church. We become unloving kapag sinasabi nating wala naman tayong
responsibility para sa ibang tao. So we don’t pray for others.
Kung mabalitaan man
natin ang mga prayer concerns ng ibang tao, nakita mo siguro sa Facebook, o
naitext sa iyo, o sumagi sa isip mo, tapos di ka man lang naglaan ng focused
prayer para sa kanya, kasi tingin mo sobrang busy mo, pinapakita nito ang
unbelief, self-centeredness, at lack of love sa puso mo. Ouch ba? Kasi totoo
naman.
Ibang-iba ang response
ni Paul. Kung titingnan natin, di pa niya nakikilala talaga nang personal ang
mga taga-Colosas. Nasa kulungan siya, di pa siya nakakapunta doon. Si Epaphras
ang nagdala ng Magandang Balita sa kanila. At siya namang nagbalita kay Pablo
kung ano ang magagandang nangyayari doon. Kaya naman nang mabalitaan niya iyon,
nagpapasalamat siya sa Dios sa bunga ng Magandang Balita sa kanila na mas
lalong tumitibay ang pananampalataya nila kay Cristo, at lalong umiinit ang
pag-ibig nila para sa isa’t isa bilang isang pamilya ng Dios (Col-1:3-4).
Maganda ang nangyayari
sa kanila. So, pwedeng sabihin ni Paul, “OK na pala kayo. Good job! Di n’yo na
kailangan ng tulong ko.” Pero hindi, kaya nga siya sumulat sa kanila kasi may
mga concerns. Pero bago pa man siya sumulat, he was already praying for them.
Verse 9, “Kaya nga, mula nang mabalitaan namin ang tungkol sa inyo, patuloy namin
kayong ipinapanalangin” Hindi niya
sinabing, “Iba na lang ang ipagpepray ko ha, maiintindihan n’yo naman siguro
iyon.” At hindi lang siya basta nananalangin, regular siyang nananalangin para
sa kanila. Ang itinuturo niya sa atin na “Pray without ceasing” (1 Thess. 5:17)
ay ipinamumuhay niya at nagbibigay siya ng magandang halimbawa para sa atin.
Tayo po ba? katulad ba tayo ni Pablo na
nananalangin para sa mga church members natin? At masasabi ba natin sa kanila
na tularan nila ang halimbawa natin pagdating sa prayer life (1 Cor. 4:16;
11:1)?
Bakit tayo dapat manalangin para sa iba?
Ituloy natin ang verse
9, “Hinihiling namin sa Dios na bigyan nawa kayo We continually ask God to fill
you…” Bago natin talakayin ang laman ng prayer ni Paul para sa kanila, dito sa
simula ng sinabi niya, mapapansin natin kung bakit siya nananalangin para sa
kanila, at bakit ganoon din dapat tayo.
1. Kailangan nila. Kaya nga ang hiling ni Pablo ay bigyan sila ng Dios ng kailangan
nila. “that you may be filled…” Ibig sabihin, meron pang kulang sa kanila,
hindi pa sila kumpleto. pero kong ikaw ay
na kay Cristo wala nang kulang, pero sa karanasan natin ng katotohanang iyan,
di pa natin iyan lubos na nararamdaman, di pa iyan lubos na bumabaon sa puso
natin. Patuloy pa rin ang laban natin sa kasalanan. Ang tinutukoy dito ay ang
ating ongoing sanctification, ang proseso na nilalakaran natin para maging
tulad ni Cristo. Di pa tapos iyan. Di pa tayo dumarating sa destination natin.
None of us has fully arrived. Wala ni isa man sa atin ang completely mature na
na hindi na natin kakailanganin ng prayer – kahit sino paman sa atin. Para tayong
timba, may laman nang tubig iyan. Pero hindi pa puno, patuloy nating isasalok
sa gripo, dahil naniniwala tayong sapat ang tubig na pinagmumulan nito para
punuin tayo.
2. Sapat ang Dios. Nananalangin tayo, dahil anumang kakulangan sa atin at sa ibang
tao, naniniwala tayong sapat ang Dios sa lahat ng iyon. At siya lang, wala nang
iba ang makapagbibigay sa atin ng kailangan natin, ng lahat ng kailangan natin.
Pansinin n’yo kung paanong inuulit-ulit ni Pablo ang salitang all,
every, at fully. Malinaw ito sa ESV: “all spiritual
wisdom and understanding” (v. 9); “fully pleasing to him (NIV,
“please him in every way”), bearing fruit in every good
work” (v. 10); “all power…all endurance” (v. 11). When
we pray for others, we believe that only God can give us everything we need. So
God is glorified in our prayers.
3. May responsibilidad tayo. Oo nga’t ang Dios ang gagawa noon, at kaya
niyang gawin without our help. Pero niloob niya na gawin iyon sa pamamagitan
natin, and our prayer as his instrument. Kaya sabi ni Paul, “Hinihiling namin…”
Siya ang nananalangin. Parang tulay o water conduit, para ang gagawin ng Dios
sa mga taga-Colosas ay dumaloy mula sa langit patungo sa kanila. We fulfill a
priestly function when we pray for others. We imitate the ministry of Jesus as
our Great High Priest. Kaya nga sa dulo ng prayer natin sinasabi natin, “In
Jesus’ name.” At kapag siniseryoso natin ang prayer para sa iba, we are acting
out of love for them. We are taking responsibility for the spiritual growth of
others. Hindi na lang puro sarili natin ang iniisip natin.
Ito ba ang
pinaniniwalaan natin? O hindi tayo nananalangin para sa iba kasi di ka naman
tayo naniniwala na kailangan nila, sapat ang Dios, at may responsibilidad ka?
Pero kung ito ang pinaniniwalaan mo – strong conviction in your heart – you
will begin adjusting your prayer life, na di na pwedeng mawala sa prayer list
mo ang ibang tao – your family, our church members and minstries, our
missionaries, your unbelieving friends, and unreached people,
Anu-ano ang dapat nating ipanalangin para sa
isa’t isa?
Kung babasahin natin
ang laman ng prayer ni Paul para sa kanila sa verses 9-12, it is very obvious
na ang prayer niya ay para sa kanilang spiritual growth, o heart
transformation. Obvious din na ang prayer niya ay hindi para sa physical health
nila, o sa success sa work or business, o sa pagkakaroon ng asawa o anak, o sa
exams nila sa school. Oo pinagpepray natin iyan, at importante naman. But those
things are not most important. Ang pinakamahalaga ay ang puso ng tao, ang paglago
natin sa Christian life sa relasyon natin sa Dios at sa ibang tao. But when you
assess ang mga prayer items mo o prayer requests mo, karamihan walang kinalaman
sa personal spiritual growth. We are not praying according to his will,
but according to our own will, kung ganoon. “This is the confidence
we have in approaching God: that if we ask anything according to his will, he
hears us” (1 John 5:14 NIV). Dito sa prayer ni Paul sa Colosas, anu-ano ang
hiniling niya sa Dios para sa kanila na “according to his will”?
1. Na lumago sa pag-unawa ng kalooban ng Dios (v. 9). Hiling ni Pablo sa Dios na bigyan ang
mga Colossian Christians ng “karunungan at pang-unawang mula sa Banal na
Espiritu para lubusan ninyong malaman ang kalooban niya”; “to fill you with the
knowledge of his will through all the wisdom and understanding that the Spirit
gives” (NIV). Ito ang primary prayer item ni Paul. Lahat ng susunod na
babanggitin ko ay nakapailalim dito o nagmumula dito. Ang salitang “knowledge”
dito sa original (Gk. epignosis) ay nangangahulugang full knowledge
or deep knowledge. Ito ang prayer ni Pablo dahil merong mga katuruang nagsasabi
sa kanila ng mga bagay na kailangan nilang malaman para maging lubos ang
religious experience nila. Pero kay Pablo, ang kailangan nilang malaman ay
hindi kung anu-ano pa, kundi ang kalooban ng Dios. At ito ay tumutukoy hindi
lang sa kung ano ang gusto ng Dios na gawin natin, kundi sa kung ano ang plano
ng Dios na gawin at kung paano tayo makikibahagi doon.
At siyempre, ibig
sabihin nito na nais ni Pablo na mas maging malalim at malawak ang pang-unawa
nila sa Salita ng Dios, kasi doon naman natin matatagpuan kung ano ang kalooban
niya. Pero hindi lang ito intellectual knowledge, but spiritual, yung galing sa
Espiritu. Posible kasi na aral ka ng aral, marami na tayong alam, pero di naman bumabaon sa puso natin ang
kalooban ng Dios. Sasabi ba natin “I delight to do your will, O my God; your
law is within my heart” (Psa. 40:8) or “My food is to do the will of the Father”
(John 4:34).
This knowledge is
“through all the wisdom and understanding” – na ibig sabihin ay nailalapat sa
buhay kung ano ang alam at pinaniniwalaan natin. Practical. Hindi lang
intellectual. I pray for all of you na magkaroon tayong lahat ng pusong sabik
na mag-aral ng Salita ng Dios, learners, sumisisid sa Salita ng Dios, at sabik
na gawin kung ano ang kalooban niya.
2. Na lumago sa pamumuhay nang nararapat at nakalulugod sa
Dios (v. 10). “Sa
ganoon, makapamumuhay tayo nang karapat-dapat at kalugod-lugod sa Panginoon sa
lahat ng bagay…so that you may live a life worthy of the Lord and please him in
every way This is the goal of his prayer, na hindi lang basta kaalaman, kundi
merong pagbabago sa buhay. God’s will in the Word is given not for our
information but for our transformation. Not just knowledge, but leading to a
transformed life. Ang salitang “worthy” ay nagpapakita na dapat sang-ayon ang
buhay natin sa pagkakaalam natin. Integridad ang pinag-uusapan dito. Maraming
Christians malaki ang ulo, maliit naman ang puso. Maraming alam, di naman
isinasagawa ang nalalaman.
Oo, dahil kay Cristo,
we are well-pleasing to God. Pero tandaan natin na makagagawa pa rin tayo ng
mga bagay na magugustuhan o di magugustuhan ng Dios. Huwag nating isiping
magugustuhan ng Dios kung marami kang alam, nakapagtapos sa Bible school. Tapos
di naman nakikita sa pamumuhay mo. Our goal is to please him in every way. Na
lahat ng bahagi ng buhay natin ay nakaayon sa kalooban ng Dios. Kung dati, kung
ano ang gusto mo, kung ano ang pangarap mo, kung ano ang trip mo yun ang
nasusunod, ngayon hindi na. ang maghari na sa atin ay ang bagong desires at
motives na sumunod sa kalooban ng Dios sa lahat ng bahagi ng buhay, na ang
hangarin natin ay hindi ang i-please ang
kung sinu-sino, kundi ang bigyang-lugod ang Dios.
Ano ang larawan ng
buhay na pleasing sa paningin ng Dios? Iyon ang number 3 hanggang number 6.
3. Na lumago sa mabubuting gawa (v. 10). “…At makikita na lumalago tayo sa
mabubuting gawa” bearing fruit in every good work” Malinaw sa Ephesians 2:8-10
na naligtas tayo hindi dahil sa mabuting gawa natin, kundi dahil sa biyaya ng
Dios sa pamamagitan ng pananampalataya. Pero ang resulta ng kaligtasang
natanggap natin ay ang paglago natin sa mabubuting gawa na inihanda na ng Dios
noon pa man para sa atin. Dahil kay Cristo, may buhay na tayo. At ang bunga
nito ay ang mabubuting gawa para tugunan ang pangangailangan ng ibang tao. Sabi
nga “God doesn’t need our good works;
our neighbor does.”
Nagpasalamat na si
Paul sa Dios dahil sa paglago ng mga taga-Colosas (v. 6), dito ang prayer niya
ay patuloy silang lumago at magbunga. Na hindi na lang sarili nila ang iniisip,
kundi kung paano makakatulong sa ibang tao. At yan ang prayer ng bawat isa sa
atin na ang primary motivation natin ay sa pagpunta at involvement sa church,,,
hindi yong “Mabebless kaya ako dun?” kundi, “Paano kaya ako magiging blessing,
encouragement, at support para sa iba?” Kapag nangyari iyan, God is pleased
kapag ang nagiging direksyon ng buhay natin ay outward, sa halip na inward.
4. Na lumago sa pagkakilala sa Dios . but knowing God deeply. Intimacy ang
pinag-uusapan dito. The more we know him, the more we love him, the more
his love overflow. Kung hindi mangyari iyan, sayang lang ang mga marami nting
alam. God is pleased not when we are spending a lot of time studying things
about him, but when we are spending a lot of time enjoying him.
5. Na lumago sa pagtitiwala sa kalakasang galing sa
Dios (v. 11). “Nawa’y
palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, para
makatagal at makapagtiis kayo sa lahat ng bagay nang may kagalakan”being
strengthened with all power according to his glorious might so that you may
have great endurance and patience” (NIV). Mahirap ang buhay, lalo na ang buhay
na nagpapasakop sa kalooban ng Dios. God doesn’t promise an easy life. Pero sa
hirap ng buhay, natural sa atin na kakapit tayo, lalapit tayo, kukuha tayo ng
lakas sa sarili natin o sa ibang tao, o sa experience natin, o sa skills natin,
o sa kayamanan natin. Kaya ang prayer ni Paul, na maplease nila si Lord sa
pamamagitan ng pagkapit sa lakas na nanggagaling sa Dios. “With all power
according to his glorious might.” Wow! Yan ang available na tulong na kailangan
natin. Yan din ang inaayawan natin kung sa iba tayo humihingi ng tulong.
“for all endurance and patience with joy.”
Madaling magtiis kung magtitiis lang. Madaling magtiyaga kung magtitiyaga lang.
Pero hindi iyan ang nais ng Dios sa atin. Hindi ang makaraos lang sa araw-araw,
hindi ang malagpasan lang ang mga pagsubok sa buhay. But to go through life,
even in hardships, with joy. Kaya yan ang prayer ni Paul. Kasi imposible sa
atin iyan. Hindi natural iyan. Galing sa Holy Spirit yan (Gal. 5:22-23). dapat
din ang prayers natin. Alam ko marami sa atin ang dumaraan sa kung anu-anong
trials – may health problems, may problema sa asawa, may financial
difficulties, may pressures sa work at sa business. Tapos sa loob-loob mo,
“Hanggang kelan kaya ito? May katapusan pa ba ‘to?” Ang prayer ko, magkaroon tayo
ng attitude na hindi takasan ang pagsubok at hirap ng buhay kundi maging
matatag na harapin ito nang may kagalakan, na narerealize na wala sa mga bagay
na iyan ang satisfaction at treasures natin, kundi nasa Dios lang sa
pamamagitan ng Panginoong Jesus na nasa atin.
6. Na lumago sa pasasalamat sa Dios (v. 12). “At [nang] makapagpasalamat din tayo
sa Ama.” Again, hindi rin ito natural sa atin. Kapag may mga problema, natural
sa atin ang magreklamo, mag-alala, mawalan ng pag-asa. Kapag maganda naman ang
nangyayari, natural sa atin ang kuhanin ang credit o papuri para sa sarili
natin. “Ang galing ko kasi, masipag kasi ako, masunurin kasi ako.” To humble
ourselves and to give God all the glory and the credit is a work of the Spirit.
Ang prayer ni Paul para sa kanila ay magkaroon sila ng pusong laging
naghahangad na bigyang papuri ang Panginoon. Yan din ang prayer ko sa inyo,
lalo na sa mga active sa ministry na minsan nararamdaman n’yong di kayo
napapansin kasi walang affirmation o papuri man lang sa inyo. Na ang maging
pangunahing hangarin ng puso natin ay sa lahat ng ginagawa mo at magandang
nangyayari sa paglilingkod natin, ang hangarin mo ay bigyang papuri ang Dios,
hindi ang sarili natin.dapat
taimtim na manatili tayong
matatag, maging ganap, at may buong katiyakan sa kalooban ng Dios. Saksi ako sa
mga pagsisikap ni Epafras para sa inyo…” ( COL;4:12-13) .
Ang panalangin para sa
iba ay hindi lang gawaing pampastor. Para po ito sa lahat sa atin. So,
magcommit tayo na manalangin araw-araw. Basahin ang Bibliya araw-araw, at
ipanalangin ang kalooban ng Dios na matupad sa buhay ng ibang tao. Pray for
your family and others.
Ano ang kumpiyansa nating sasagutin ng Dios
ang mga panalangin natin sa isa’t isa?
Alalahanin natin kung
ano na ang laki ng ginawa para sa atin ng Dios, tiyak na gagawin niya rin ang
hinihiling natin ayon sa kalooban niya. Remember the gospel. Ito ang confidence
natin sa prayer life natin. Our prayers must be
gospel-driven. Pansinin n’yong iyon agad ang kasunod na sinabi ni Pablo
pagkatapos ng prayer niya sa vv. 12b-14. Anong koneksyon? Para sabihin kung
bakit tiwala siya sa Dios at dapat tiwala din tayo sa Dios sa mga prayers
natin.
1. Ginawa na niya tayong karapat-dapat. Verse 12b, “Ginawa niya kayong
karapat-dapat na makabahagi sa mamanahin ng mga pinabanal niya, ang manang nasa
kinaroroonan ng kaliwanagan.” Wala ni isa man sa atin ang banal. Lahat tayo
marumi. Walang karapat-dapat na manahin, parusa pa nga ang nararapat. Pero
dahil kay Cristo, we are now qualified and worthy. Iniintay natin ang manang
iyan na nakareserba na sa atin sa langit.
2. Inilipat na niya tayo sa kanyang Kaharian. Verse 13, “Iniligtas niya tayo mula sa
kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang
Anak.” Dati, nasa kadiliman tayo, ngayon nasa liwanag na. Dati alipin ni
Satanas, ngayon mga anak na ng Dios. Dahil kay Cristo.
3. Tinubos na tayo’t pinatawad ang kasalanan. Verse 14, “At sa pamamagitan ng kanyang
Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan
natin.” Dati, alipin tayo ng kasalanan. Ngayon, malaya na. Dati, napakalaki ng
pagkakautang natin sa Dios. Di natin kayang bayaran. Ngayon, bayad nang lahat.
Higit pa doon, nasa atin na ang katuwiran ni Cristo at lahat ng pagpapalang kasama
noon. Dahil kay Cristo lahat.
Ibinigay na ng Dios
ang kanyang lahat-lahat para sa atin, kaya makatitiyak tayong sa panalangin
natin para sa sarili at para sa iba, ibibigay din niya sa atin ang lahat ng
bagay. Ito ang sabi ni Pablo sa Romans 8:32, “Kung ang sarili niyang Anak ay
hindi niya ipinagkait kundi ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya
sa atin ang lahat ng bagay” (ASD); “He who did not spare his own Son but gave
him up for us all, how will he not also with him graciously give us all things”
(ESV)? Mas mararanasan natin at ng ibang tao ang katotohanang “kay Cristo, wala
nang kulang” kung palagi tayong mananalangin para sa ibang tao.God Bless you
all!!